Ayon sa ulat ng Abante:

Dalawang miyembro ng gabinete ang nagkalat sa huling biyahe ni PGMA sa Europa dahil sa halip na trabaho ay mga banyagang tsikas ang magkasamang pinuntirya ng mga ito.

Base sa sitsit kay Mang Teban, parang mga baboy na nakawala sa bitag ng kani-kanilang misis ang dalawang cabinet secretaries dahil talagang pinaghandaan ng mga ito ang paghahanting ng mga babae sa isang bansa sa Europa.

Ang kwento, habang abala si PGMA sa kaliwa’t kanang pakikipagdiyalogo sa mga banyagang lider ay rumampa naman ang dalawang mokong sa isang pampublikong lugar at pinagtripang kunan ng litrato ang magagandang European girls.

Kahit ang isang magandang foreign cadet umano na nagmamartsa sa isang lugar malapit sa convention na dinaluhan ni PGMA ay hindi sinanto ng dalawa at kinunan din ng litrato at saka pinagtripang pag-usapan kung gaano ito kakinis at kaseksi.

Sino sila?

Clue:

Ang dalawang cabinet members na naglandi habang nagpapakasubsob sa trabaho si PGMA ay parehong may kinalaman sa usaping de-lata at palay pero itago natin sa bansag na “Batman en Robin”.