PinoySpy News Service — The PinoySpy Ecumenical Council yesterday urged members of the PinoySpy community to pray for peaceful elections on May 14, 2007. Here is the official PinoySpy election prayer: 

Lord Jesus,

Musta na po. Isang daan na ang namamatay sa eleksyon pero buhay pa rin ang mga buwaya. Please Lord kunin mo na sila. Pagpalain mo po ang mga nagbenta ng boto na sana magamit nila ang pera sa magandang paraan, at hindi sa sugalan o kaya sa alak o sigarilyo o bold magazines gaya ng FHM Philippines/Maxim.

Pinagdarasal po namin ang mahal na Presidente na sana gumaling na sa kanyang diarrhea at sana din ay turuan nyo ng leksyon si Manny Pacquiao kung siya ang manalo, kagaya po ng English lessons, para naman hindi siya kahiya-hiya na kagaya ni Lito Lapid.

We pray for peaceful elections in the Philippines. Even if there is cheating, what else is new Lord? Sana po matapos na ito at mabawi na nga mga newly elected officials ang kanilang election expenses.

We pray Lord na magkasundo na ang lahat ng Pilipino at wag nang magpatayan kasi kahit mamatay lahat ng pulitiko, andyan naman ang kanilang mga asawa at anak na magpapatuloy sa political dynasty.

This we ask through Google, amen.