Palala nang palala ang water crisis sa Pilipinas, kung kaya’t bilang isang responsible citizens of the Philippines, dapat tayong makiisa upang labanan ang dry spell.

Paano ka makakatulong? Ito ang aking SpyLolo’s Top 10 Tips to Conserve Water in the Philippines:

1. Huwag gumamit ng shower. Gumamit ng mas maliit na tabo.
2. Matutong mag-pila-balde. Huwag maglaro ng apoy, dahil walang tubig ang bumbero.
3. Pumatong sa batya habang naliligo na gamit ang tabo. The “batya” will catch water that you pour over your head so it does not go down the drain. Pwede mo gamitin ang naipong tubig sa batya upang ibuhos sa kubeta. Ito ay mabango dahil ito ay may halong sabon.
4. If there is a nearby lake, river or “sapa”, doon kayo maligo. Gumamit ng organic soap para hindi mapollute ang tubig.
5. Putulin ang iyong buhok. Cut your hair so it will not consume too much water when washing it.
6. Matutong gumamit ng tissue. Bawasan ang paghuhugas.
7. Iwasan ang pagluluto ng instant noodles dahil ito ay gumagamit ng tubig. Huwag gawing ulam ang instant noodles — wala itong protina.
8. Huwag umihi sa pader. Umihi sa mga halaman o puno (trees) because urine contains urea which is a natural fertilizer.
9. Bawasan ang pagi-internet. Mag-volunteer sa mga kampanya upang labanan ang dry spell. Ang dry spell ay wala sa internet — ito ay nasa iyong kapaligiran kaya lumabas kayo ng bahay o internet cafe upang makatulong.
10. Iwasan ang pagtatalik, dahil ito ay nakaka-dehydrate. Kadalasan, kelangan mong uminom matapos makipagkatalik, kaya iwasan ito upang maiwasan ang pagka-uhaw.

Technorati tags: , , ,